“Empanada of Ilocos”
Kasama sa mga nasa listahan namin na dapat matikman ay ang famous empanada ng ilocos. Ang tagal kong naghahanap ng empanada doon dahil ang nasa isip ko na empanada ay yung maliliit na dough ang balot at meat ang nasa loob, usually ay sa mga bakeries makikita. Two days na kami sa Ilocos hindi ko pa rin makita ang sinasabi nilang empanada. Napilitan na akong magtanong sa isang tindahan doon kung saan makakabili ng empanada. Ito pala yun……
Ang dami palang gumagawa at nagluluto ng empanada sa Vigan. Nasa isang lugar lang sila sa may kabayanan, tabi-tabi ang mga maliliit na tindahan na may mga tables para sa mga gustong doon kumain, tiis lang sa init dahil katabi mo ang mga naglalakihang kawali na may kumukulong mantika..hehehe.
Na curious din ako kung paano sila niluluto kaya pinanood ko muna. Gawa na yung kanilang dough na nakahati nasa maliliit na bilog, ginagamitan na lang ng rolling pin para lumapad, then lalagyan ng vegetables (parang gulay sa paggawa ng okoy) sa half part ng bilog pero may space na konti sa gitna ng vegetables para doon ilalagay yung sariwang itlog. Yolk lang ang nilalagay sa empanada.
Nakita ko yung eggwhite na nilalagay sa isang malaking lalagyan, akala ko tapon na yun. Inihahalo pala nila yun sa gulay na may hipon (shrimps) at ginagawa namang okoy. Wala nga namang sayang dahil nagagamit lahat.
Alam nyo bang binalikan pa naman ulit sa Vigan ang empanada after namin sa Laoag City para magbaon papuntang Baguio. Nagustuhan kasi ng mga bata dahil masarap nga naman at kakaiba.








Sadsad ang lipad ng langay-langayan.
Hantad ang likod nito
mula sa mala-higad na sasakyang bakal
na bumabagtas sa pusod ng aspaltadong kagubatan.
Blah blah...paki edit nalang dito
